Pag-Ibig

Ang pag-ibig ay isa sa pinakamasarap na pakiramdam na mararamdaman ng isang tao. Ito yung pakiramdam na hindi ka makatulog, makakain at parang mababaliw sa kakaisip sa isang tao. Laging masaya ang iyong pakiramdam yung makita mo lang siya masaya ka na. Sa simpleng ngiti lang niya hindi mo maitago ang iyong sobra-sobrang kasiyahan at halos himatayin ka na sa sobrang kilig.

Ngunit kung minsan ang pag-ibig ay hindi lang puro saya at kilig dahil kung minsan masakit at masaklap din ang pag-ibig. Dahil kung minsan ang taong minamahal mo ay hindi ka kayang mahalin gaya ng pagmamahal na ibinibigay mo, dahil kung minsan ay mayroon na rin siyang ibang mahal o hindi naman kaya ay hindi iyon ang tamang oras para sa inyong dalawa. Minsan kahit gaano kasakit ang magmahal ay kaya mo iyong tiisin para lamang sa kanya yung kaya mong maghintay gaano man katagal para sa kanya o hindi naman kaya magpakamartyr dahil lamang sa pag-ibig mo sa kanya.

Ang pag-ibig ay hindi lang naman para sa pagmamahal mo sa isang tao dahil mayroon kang pwedeng mahalin higit sa isang tao gaya na lamang ng iyong pamilya na handa kang suportahan at damayan sa saya at lungkot ng iyong buhay. Pero higit sa lahat mayroon isang DIOS na minamahal ka higit pa sa kaya mong ibigay kahit na kaninong tao, isang DIOS na kaibigan, pamilya, guro at gabay para sa ating buhay. Ang DIOS ay ang pinakamagandang mahalin sa lahat dahil susuklian ka niya ng higit pa, malay mo ibibgay niya sayo ang Forever mo.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s