Best Friend

jjj    May 21, 2012 ng makilala ko ang tao na ituturing kong pinakamatalik kong kaibigan. Ang taong magiging sobrang special sa buhay ko, isang tao na lagi akong dinadamayan sa lahat ng aking problema. Simula ng maging magkakilala kami ay naging special na siya sa buhay ko. Ang araw na makilala ko siya ay ang isa sa pinakamahalaga at pinakamasayang nangyari sa buhay ko.

weee   Minsan nga pagkasama ko siya nalilimutan ko ang mga problema na mayroon ako dahil nagagawa niyang magaan ang bawat segundong kasama ko siya. Kung mayroon mang isang tao na higit na nakakikilala sa akin ay siya na iyon dahil halos lahat ng sekreto ko ay alam niya. Kahit sa simpleng tinginan ay alam na namin ang ibig sabihin ng bawat isa. Maliban sa mga iyan mas nakita ko ang halaga niya sa bawat pagkakataon na sobrang down ako ay sinuportahan niya ako at pinalakas ang aking loob. Kasama ko siya sa mga masasayang pangyayari sa aking buhay at higit sa lahat nasa tabi ko siya sa mga panahon na kailangan ko siya.

iiiii  Nagpapasalamat ako sa DIOS dahil binigyan niya kami ng pagkakataon na magkakilala at maging part sa buhay ng bawat isa. Hindi ko ipagpapalit ang bawat segundo, minuto, oras, araw, buwan at taon na naging parte siya ng buhay ko dahil sa bawat pagkakataong iyon ay napakarami kong natutunan sa kanya. Napakaswerte ng lalaking mamahalin niya dahil halos lahat ng hahanapin ng isang lalaki ay nasa kanya na. Maraming salamat sa aking best friend sa lahat ng pagkakataon na kasama ko siya at sa lahat ng naituro niya sa akin. Ang bababeng sobrang LOVEEEEE ko 🙂

Advertisements

MCT – 1A

dom1    Akala ko dati ang high school ang pinakamasayang mga taon sa pag-aaral pero nabago ang lahat ng mag-aral ako sa La Verdad at nakasama ko ang mga kaklase ko ngayon. Noong una ay hindi ako sigurado kung magiging masaya ako na kasama sila dahil may kanya-kanyang pag-uugali at iba-iba ang personalidad, pero para sa akin ang pagkaiba-iba na iyon ang naging dahilan kung bakit kami ang pinakamasayang section sa La Verdad. Kahit noong mga unang buwan ay lagi kaming napagagalitan dahil sa kami ay pasaway at masyado kaming maiingay ay ako ay sobrang proud dahil naging part ako ng grupo na ito.

domo    May mga panahon na gusto ko ng tumigil sa pag-aaral dahil sa hirap at pagod na nararadaman ko noon pero nung makita kong masaya ako na kasama ko sila at sila ang pipiliin ko na makasama sa araw ng aking pagtatapos sa kolehiyo kung loloobing ng Dios. Sila ang grupo na nagbibigay lakas sa akin sa mga panahon na tinatamlay na ako sa pag-aaral at sila rin ang nagpapasaya sa akin sa mga arwa ng aking kalungkutan. Sa kanila ay hindi ako nahihiya na ipakita ang tunay kong emosyon kahit na umiyak pa ako sa harap nila.

ddd   Nagpapasalamat ako sa Dios dahil hindi lang niya ako binigyan na makapag-aral muli kundi binigyan niya rin ako ng mga kaklase na hindi lang mga kaibigan kung hindi mga kapatid at higit sa lahat isang malaking pamilya. Ang mga naranasan at mga natutunan na kasama sila ay higit pa sa isang milyon nanatutunan ko sa loob ng 4 na sulok ng paaralan. Walang katumbas na halaga o bagay ang lahat ng pagkakataon na kasama ko sila at hindi ko ipagpapalit ang mga alaalang kasama ko sila. Salamat sa DIOS 🙂 to GOD be the Glory!!!

Aking Ina

Isang babaeng naghirap na dalhin ako ng 9 na buwan sa kanyang sinapupunan. Nagtiis kahit nahihirapan para palakihin kami ng maayos at may takot sa Dios. Ang babaeng pinaka nakakakilala sa akin higit kanino man dahil alam niya kung may masaya, malungkot, may problema or may dinadala.

Ang aking ina ay pinakamahalagang babae para sa akin dahil kahit na minsan pasaway ako o hindi naman kaya hindi ko sinusunod ang kanyang kagustuhan kahit na alam kong ito ang makabubuti para sa akin. Minsan kahit na pinagagalitan niya ako alam ko na para rin naman iyon sa ikabubuti ko at sa ikauunlad ko bilang isang tao. Maraming beses ko ng nasaktan ang aking mama hindi man sa pisikal nasaktan ko siya dahil naging pasaway ako sa kanya pero ang pinakapinagsisisihan ko sa lahat ay ang pag hinto ko sa pag-aaral dahil kung mayroon man akong taong pinakanasaktan iyon ay ang aking ina kaya pinangako ko ulit sa sarili ko ng makabalik ako sa pag-aaral na hindi ko na ulit siya bibiguin at makapagtatapos ako sa pag-aaral.

Mas nakita ko ang halaga ng aking nanay / mama ng mawala ang mama ng bestfriend ko dahil nakita ko ang lungkot ng bestfriend ko kaya nasabi ko sa sarili ko na mas mamahalin ko ang mama at papa ko. Dahil sa kanila kaya ako nag-aaral ngayon ng mabuti at gusto ko silang mabigyan ng magandang buhay balang araw, kaya gusto ko makapagtapos sa pag-aaral. Magagawa ko ito sa awa’t tulong ng DIOS. To God be the Glory!!!!